Kalupitan ng 9th IDPA sa Banwang Gurang, Sorsogon, Pagbayarin!

SMS Pahayag

Enero 31, 2010

Sagadsaring sinungaling si Maj. Harold Cabunoc ng 9th Infantry Division at pilit na binabaliktad ang pangyayari sa labanang naganap sa Bgy. Banwang Gurang, Donsol, Sorsogon kahapon ng hapon. Hindi ang BHB ang nagsasagawa ng ambus sa umano’y 3 nakasibilyang sundalo at CAFGU kundi ang militar ang umatake sa mga pulang mandirigma.

Ngunit mahusay na nakapanlaban ang isang tim ng BHB at napinsalaan ng malaki ang umaatakeng sundalo at CAFGU. Dalawa ang patay at 4 ang sugatan kabilang ang sarhento na kumander ng 22nd IB-CAFGU detatsment, habang isang pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay sa labanan.

Sa sobrang aburido ng militar, walang pakundangang nagwala ito sa lugar at dinukot ang ilang sibilyan, may ginilitan ng leeg, at marami ang binubug. Iligal na inaresto ang sibilyang si Rolly Deloso at pinaratangang kasapi ng BHB. Dapat pagbayarin ang pamunuan ng 9th IDPA at mga tauhang sangkot sa kalupitang ginawa sa mga sibilyan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s