Tatlong Magkakasunod na Opensiba ng BHB – Matagumpay!

Tatlong magkakasunod na taktikal na opensiba ng BHB ang binigwas sa pasista at berdugong tropa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa mga probinsya ng Albay, Masbate at Sorsogon noong Enero 14 at 15.

Namatay si Pfc. Michael Sacza at kumaripas ng takbo si Pfc. Malagday ng ambusinng BHB sa Bgy. Maninila, Camalig, Albay noong Enero 14. Mga elemento sila ng Special Operations Team (SOT) ng 2nd IBPA at nagsasagawa ng pananakot at panghaharas sa mamamayan ng lugar.

Dalawa naman ang namatay at 8 ang sugatan sa 9th IBPA nang pasabugan ng BHB ng command detonated explosive (CDX) ang kanilang sasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo, Masbate noong Enero 15, alas-7 ng umaga. Namatay din 2 sundalo ng 49th IBPA at sugatan ang 7 pang iba nang paputukan ng isang tim ng BHB ang mga sundalong sakay ng trak habang binabaybay ang kalsada sa Bgy. Palogtok, Irosin, Sorsogon bandang alas-10 ng umaga nitong Enero 15.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s