SOMO ng AFP – Huwad at Mapanlinlang

Huwad at mapanlinlang ang dineklarang suspension of offensive military operation (SOMO) ng pasistang rehimeng US-Arroyo dahil nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang mga operasyong militar at special operations team (SOT) ng AFP sa maraming sonang gerilya ng Bikol, partikular sa probinsya ng Albay.

Sa katunayan, malisyosong ginagamit ng Task Force Mayon ng AFP ang evacuation at relief operation upang patraydor na atakehin ang BHB at ang mamamayan sa mga sonang gerilya. Iniulat ngayon ng Santos Binamira Command ng BHB-Albay ang walang puknat na operasyong militar ng 901st Brigade at 2nd IBPA sa Bgy. Cabraran sa Villapaz sa Jovellar, sa Bgy. Rawis ng Pio Duran at sa mga barangay ng Talisay at San Miguel sa Oas.

Hindi apektado ng Bulkang Mayon ang mga bayang ito at walang evacuation center sa lugar na mahigit 25 kilometro ang layo mula sa Legaspi City at bulkang Mayon. Dapat itigil ng AFP ang patraydor na pag-atake sa BHB, irespeto ang mahalagang okasyon ng mamamayan at ituon ang kanilang pwersa sa tunay na pagtulong sa mamamayan.

Ka Greg Banares
NDF-Bikol
greg_banares@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s