Bisita ni Mrs. Arroyo sa Albay, Ipokritong Hakbang!

Pahayag sa Midya
Disyembre 23, 2009
Greg Banares, NDF-Bikol

Isang ipokritong hakbang at malaking insulto sa mga biktima ng bulkang Mayon ang pagbisita ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Hapon sa Albay. Pilit na pinababango nito ang nangangamoy na nitong kabulukan matapos batikusin ng mamamayan ang pagbakasyon nito sa Hongkong sa halip na isuperbisa ang paglilikas ng mamamayan sa paligid ng bulkang Mayon

Noong Disyembre 20 ay maagang umalis si Arroyo sa Copenhagen Conference on Climate Change sa Denmark upang diumano’y bisitahin ang mga biktima ng bulkang Mayon. Ngunit walang kahihiyang nagbakasyon pala ito sa Hongkong kasabay ang buong pamilya at mga apo nito habang sa kasagsagan ng paglilikas ng ilampung libong mamamayan ng Albay.

Matagal nang pinagkakaitan ang mga biktima ng bulkang Mayon ng maayos na tirahan, sapat na pagkain, malinis na tubig, serbisyong medikal at iba pang serbisyo habang nagpapakabundat si Mrs. Arroyo at mga galamay nito sa mamamahaling restawran at hotel, nagbabakasyon sa ibang bansa at naglulustay ng pera ng bayan. Dapat na itong wakasan!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s