Ambus sa Sorsogon Matagumpay

Pahayag sa Media
(via SMS)

November 9, 2009

Kinumpirma ng Celso Minguez Command ng BHB-Sorsogon ang ambus laban sa mga elemento ng 509th PNP Mobile Group sa Sityo Pinaradan, Brgy. Calomagon, Bulan, Sorsogon kaninang bago magtanghali. Sa panimulang ulat, nakumpiska ng BHB ang ilang armas at maraming kaswalti sa PMG.

(Pahayag ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon)

—————————————————————————–

November 10, 2009

Nakuha ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command ang tatlong ripleng M16 at iba pang gamit-militar sa matagumpay na ambus laban sa tropa ng 509th PNP Mobile Group sa Sityo Pinaradan, Brgy. Calomagon, Bulan, Sorsogon. Naisagawa ang ambus dakong alas-onse ng umaga nitong Nobyembre 9, 2009 sa gitna ng matinding operasyong militar ng 903rd Brigade sa lugar.

Nasawi sa ambus ang apat na kasapi ng 509th PPMG na kinilalang sina Police Captain Jefferson de Leon (deputy group commander), SP01 Johnson Gerola, SP02 Darwin Detoito, at PO1 Ryan Padrique. Sugatan naman ang tatlo pang iba na kinilalang sina PO1 Alwin Bandano, PO1 Allen Lanuza, at PO1 Franz Guamos.

Ang 509th PNP Mobile Group ay aktibo sa kontra-rebolusyonaryong kampanya ng Oplan Bantay Laya 2 at lehitimong target ng taktikal na opensiba ng BHB. Ganap na bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan ang Bantay Laya 2 at parurusahan ang malupit na rehimeng US-Arroyo.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s