Pahayag sa Media

Pahayag sa Media (via SMS)

November 6, 2009 

Mariing kinukundena ng mamamayan ang isa na namang karumaldumal na krimen ng 2nd IBPA, 901st Brigade sa Libon, Albay. Natagpuan noong Nobyembre 3, alas-4 ng hapon ang mga bangkay nina Hernani Requijo Jr., 34 taong gulang at Jesus Reonico na dinukot ng militar noong Oktubre 28 sa Brgy. Mabayawas, Libon, Albay. 

Saksi ang asawa ni Hernani na si Vivian Requijo at tatlo pang sibilyan nang sapilitang dalhin ng mga sundalo ng 2nd IBPA ang dalawang biktima. Tinakot sila ng militar na huwag magsusumbong kahit kanino kung kayat lumipas ang ilang araw bago sila nagpa-blotter sa PNP. 

Bakas sa mga bangkay ni Hernani at Jesus ang matinding tortyur at pahirap na ginawa sa kanila. Ginilitan ng leeg ang isa, sinaksak, at tinanggalan ng mga kuko. Dapat managot ang rehimen at ang pasistang AFP sa mga krimen nila sa mamamayan na resulta ng Oplan Bantay Laya II. 

———————————————————————————————-

November 5, 2009

Kinukundena ng NDF-Bicol ang pagdukot ng mga elemento ng 49th IBPA, 903rd Brigade sa mga magsasakang sina Brgy Kagawad Jerry Doctor, 39 taong gulang at Jose Lustistica, 36 taong gulang ng Brgy. Maalo, Juban, Sorsogon. Pumunta lamang sa kanilang taniman sina Jerry at Jose dakong alas-7 ng umaga kahapon nang masabat ang nag-ooperasyong militar.

Dapat ilitaw ng 49th IBPA sina Doctor at Lustistica dahil nangangamba ang kanilang mga mahal sa buhay. Siyam ang anak ni Doctor at pito ang anak ni -Lustistica na pawang maliliit pa. 

————————————————————————————- 

November 5, 2009

 Pinabulaanan ng Santos Binamera Command ng BHB-Albay ang akusasyon ng PNP-Daraga na BHB ang nagtangkang pumatay sa chief tanod ng Brgy. Gabawan, Daraga noong isang araw. Hindi target ng BHB ang mga sibilyan na pinilit lamang ng militar na sumapi sa Barangay Defense System (BDS) at walang mabigat na krimen sa mamamayan.

—————————————————————————————- 

November 3, 2009

Walang maipagmamalaking tagumpay ang 9th IDPA sa pagkakahuli sa mag-asawang sina Jerry Esquivel at Maricel Basan na ipinagyayabang ng 903rd Brigade na matataas umanong upisyal ng BHB sa Sorsogon. Inaresto ang mag-asawa sa Bgy. Pawala, Donsol noong Nobyembre 2. Si Jerry Esquivel ay dating kasapi ng BHB na matagal ng namumuhay bilang sibilyan kapiling ang kanyang asawang si Maricel. Hindi kailanman naging kasapi ng BHB si Maricel at lalong hindi sila mga upisyal ng BHB. 

Humahaba ang litanya ng kasinungalingan ng 9th IDPA dahil sa desperasyon nitong makaiskor ng malaking puntos sa propaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan at dahil na rin sa pagkakalantad sa publiko ng mga kalupitan at pang-aabuso nito sa mamamayan. 

————————————————————————————– 

November 3, 2009 

Kasinungalingan ang akusasyon ng 901st Brigade na tinatakot, hinaharas, at hinihingian ng BHB ng tig-50 pesos bawat pamilya ang mga sibilyan at upisyal ng barangay sa ilang lugar sa mga bayan ng Camalig at Daraga sa Albay. Ang mga lugar na ito ay nasa malupit na pagkontrol ngayon ng mga special operations team (SOT) ng 9th IDPA. 

Nagiging ipokrito si Capt. Bansawan at iba pang tagapagsalita ng AFP sa pagpapanggap na para sa kaunlaran at tagapagligtas umano ng mamamayan, habang patuloy na inaakusahan ang rebolusyonaryong kilusan ng gawa-gawang mga krimen. 

Sa katunayan, inirireklamo ng mamamayan sa massmedia ang mga kalupitan at pang-aabuso ng mga special operations team ng 9th IDPA. Kabilang dito ang pambubugbog ng sibilyan, pananakot at panggigipit, sapilitang pagpapasuko, at paghadlang na makapaghanapbuhay ng maayos at tahimik ang mamamayan. 

——————————————————————————————- 

30 October 2009 

Lantarang pinagtatakpan ni Maj. Harold Cabunoc ng 9th IDPA ang pagkakasangkot sa krimen ng CAFGU na si Amado Caubang at walang kahihiyang ibinibintang sa NPA ang pagkamatay nito sa kamay ng PNP. 

Inamin ng PNP-Sorsogon na napatay si Amado Caubang ng mga elemento ng 508th PMG sa isang operasyon sa Brgy. Piot, Sorsogon City noong Oktubre 28, bandang ala-una ng madaling araw. Hinoldap ng grupo ni Caubang ang isang tindahan ngunit nasukol ng PNP. 

Paparaming bilang ng mga CAFGU sa rehiyon ang nasasangkot sa iba’t ibang krimen bunga ng kakarampot na alawans at kawalang-benipisyo, diskriminasyon at pang-aapi sa loob ng AFP, katiwalian at korapsyon, at madalas na sila ang nauutusan ng mga upisyal na gumampan ng kriminal na mga aktibidad.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s